Normal view MARC view ISBD view

Kuwaresma [video recording] / director Joey Conti ; writer Nancy Pe Rodrigo ; editor Rudy Barcenas. --

Material type: materialTypeLabelVisual materialPublisher: [Place of publication not identified] : Bookmark Video and Moving Images, c1998Description: 1 videodisc : sound, color ; 4 3/4 in.Subject(s): Holy Week | Jesus Christ-- -- Person | LentSummary: Taun-taon, sa panahon ng tag-araw, ginugunita at isinasabuhay ng mga Pilipino ang kasaysayan ng pagpapakasaki, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesukristo. Tinaguriang Kuwaresma, ang apatnapung araw na pagsasagunitang ito ay nagsisimula sa Miyerkules ng Abo at nagtatapos sa Linggo ng Pagkabuhay. Ang Miyerkules ng Abo ay simula ng isang banal at natatanging panahon, at upang ilagay ang sarili sa panahong ito, sinisimulan din ng mga tao ang paghahanda at paglilinis ng kalooban sa pamamagitan ng pangungumpisal, pag-aayuno, at pagbasa ng Pasyon. Ngunit ang pinakamatinding paglilinis-loob ay nagaganap sa Biyernes Santo. Para sa maraming Pilipino, ito ang pinakamahalagang araw ng Kuwaresma dahil dito nila lubos na naipapakita ang kanilang pakikiramay kay Hesus at ang pagsasabuhay ng kanyang huling araw sa mundo. Ipinakikita at ipinaliliwanag ng dokyumentaryong ito ang iba't-ibang uri ng pagsasagunita at pagsasabuhay ng kasaysayan ni Hesus. Bago ang tuluyang mawala at makalimutan ang mga ito, panoorin natin ang mga lumang ritwal ng Kuwaresma- ang pagbasa sa San Pablo, ang marangyang prusisyon ng mga poon at karosa sa Baliwag, ang Banal na Paglilibing sa Pakil, at ang Salubong sa Angono. Tunghayan din ang iba't-ibang uri ng pagpepenitensiya ng mga bata at kalalakihan sa Kalayaan at Kapitangan, at pakinggan ang kuwento ni Lucy- ang unang babaeng nagpapako sa krus sa Kapitangan. Sa dokyuentaryong ito, makikita ang pagsasanib ng bago at luma, ng kolonyal at katutubong tradisyon, ng katolikong simbahan at ng taumbayan.
    average rating: 0.0 (0 votes)
Current location Call number Status Date due Item holds
University of Santo Tomas-Legazpi Learning Commons
BQT4222 .K979 1998 (Browse shelf) Not for loan
Total holds: 0

Taun-taon, sa panahon ng tag-araw, ginugunita at isinasabuhay ng mga Pilipino ang kasaysayan ng pagpapakasaki, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesukristo. Tinaguriang Kuwaresma, ang apatnapung araw na pagsasagunitang ito ay nagsisimula sa Miyerkules ng Abo at nagtatapos sa Linggo ng Pagkabuhay.

Ang Miyerkules ng Abo ay simula ng isang banal at natatanging panahon, at upang ilagay ang sarili sa panahong ito, sinisimulan din ng mga tao ang paghahanda at paglilinis ng kalooban sa pamamagitan ng pangungumpisal, pag-aayuno, at pagbasa ng Pasyon.

Ngunit ang pinakamatinding paglilinis-loob ay nagaganap sa Biyernes Santo. Para sa maraming Pilipino, ito ang pinakamahalagang araw ng Kuwaresma dahil dito nila lubos na naipapakita ang kanilang pakikiramay kay Hesus at ang pagsasabuhay ng kanyang huling araw sa mundo.

Ipinakikita at ipinaliliwanag ng dokyumentaryong ito ang iba't-ibang uri ng pagsasagunita at pagsasabuhay ng kasaysayan ni Hesus. Bago ang tuluyang mawala at makalimutan ang mga ito, panoorin natin ang mga lumang ritwal ng Kuwaresma- ang pagbasa sa San Pablo, ang marangyang prusisyon ng mga poon at karosa sa Baliwag, ang Banal na Paglilibing sa Pakil, at ang Salubong sa Angono. Tunghayan din ang iba't-ibang uri ng pagpepenitensiya ng mga bata at kalalakihan sa Kalayaan at Kapitangan, at pakinggan ang kuwento ni Lucy- ang unang babaeng nagpapako sa krus sa Kapitangan.

Sa dokyuentaryong ito, makikita ang pagsasanib ng bago at luma, ng kolonyal at katutubong tradisyon, ng katolikong simbahan at ng taumbayan.

There are no comments for this item.

Log in to your account to post a comment.

University Library and Information Services University of Santo Tomas-Legazpi |
Rawis, Legazpi City |
Tel: 482-02-01 loc 287-290
| Email: ulis@ust-legazpi.edu.ph